Noong Pebrero 3, 2025, nagsagawa ang TESDA Benguet ng pagsasanay sa kasanayang Barbering para sa 50 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa BJMP La Trinidad District Jail – Male Dorm, Upper Kesbeng, La Trinidad, Benguet. Ang programang ito ay nabuo sa pakikipagtulungan ng TESDA Benguet sa BJMP La Trinidad District Jail – Male Dorm na may layuning magbigay ng kasanayan at oportunidad sa mga PDLs na mapabuti ang kanilang kakayahan at magamit ito bilang kabuhayan sa kanilang paglaya.

Ang nasabing pagsasanay ay isasagawa sa loob ng limang araw, mula Pebrero 3 hanggang Pebrero 8, 2025.
Ang pagbubukas ng programa ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa TESDA Benguet, BJMP La Trinidad District Jail – Male Dorm at ng tagapagsanay na si Jefferson E. Giluan.



No Responses