1

#TESDAmayan | Sa mahigit dalawang linggo noong tumama ang 7-magnitude na lindol sa Abra, patuloy parin ang pamamahagi ng TESDA-Abra ng mga donasyon na galing sa iba’t ibang organisasyon at TESDA Operating Units.

Sa Sitio Karkariskis and Sitio Payong sa Caupasan, Danglas ipinamahagi ng TESDA Abra sa pangunguna ni PD Allan Millan ang mga 55 na foodpacks para sa mga pamilyang naapektuhan.

2

Personal naman na tinanggap ni Ms. Janet Santua, ang Community Training and Employment Coordinator (CTEC) ng LGU Lagayan ang 50 na family food packs na kanilang ipapamahagi sa mga pamilyang naapektuhan sa kanilang munisipyo.

At kaninang madaling araw lang ay nagtayo naman ang TESDA Abra Provincial Office ng “Kapehan sa TESDA Abra” bilang inisyatibo para sa mga evacuees na kasalukuyang nasa Pidigan Gym Evacuation Center. Ang mga evacuees ay mas madaling makakapagtimpla ng libreng mainit na kape at mga libreng cookies na gawa ng mga trainees at trainers ng Bread and Pastry Production (BPP).

#TESDAAbotLahat

Categories:

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Calendar
October 2022
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Archives